By Bernard Taguinod, Abante Tonite Sa kabila ng tagumpay sa misyon ni Vice President Jejomar Binay sa China na mailigtas sa kamatayan ang tatlong Filipino na nakatakda sanang bitayin matapos itong ipagpaliban ay nangangamba ang isang mambabatas sa magiging kapalit nito mula sa hiniritang bansa. Ayon kay House Committee on Overseas Workers Affairs chairman Walden Bello ng Akbayan partylist, hindi imposibleng may hiningi ang China sa gobyerno ng Pilipinas kapalit ng buhay nina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain. |