By Dindo Matining & Bernard Taguinod, Abante Tonte Ngayong wala nang epekto ang arrest warrant laban kay Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, inaabangan na ng mga mambabatas sa Senado maging sa Kamara ang paglitaw ng nagtatagong senador para ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa Senado. Ayon sa mistah ni Lacson sa Philippine Military Academy (PMA) na si Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan, isang ‘positive development’ ang nasabing desisyon at magkakaroon na ng tsansa ang nagtatagong senador na dumalo sa mga sesyon ng Senado. |