Thursday, February 3, 2011

MAFIA SA AFP TIBAG NA!


By Dindo Matining & Rose Miranda, Abante Online
AFPPinaniniwalaang tuluyan nang natibag ang malaking sindikato sa likod ng matinding kurakutan sa AFP kung saan sa pinakahuling pasabog ay hindi lamang mga “pasalubong” at “pabaon” ang ibinuyangyang kundi pati mga kuwestyunableng mga gamit at armas militar na hindi umano dumaan sa ‘bidding’.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee kahapon, ibinuko ni da­ting military budget retired Lt. Col. George Rabusa na sangkot umano sa pagbili ng P200 milyong halaga ng mga bala sa Thailand at $2 milyong halaga ng unmanned aerial vehicle (UAV) na binili sa Israel.
more