Saturday, February 12, 2011

MRS. LIGOT KAKALADKARIN


Nina Jun Tadios at Dindo Matining, abante.com.ph
mrs ligotHindi lang ang mismong mga heneral na isinasabit sa sumabog na sindikatong kurakutan sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang target ng tax case na pinaplantsa ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) kundi pati na ang mga misis ng mga ito.
Una na nga sa listahan ay si Mrs. Erlinda Yambao-Ligot na namili ng mga bahay sa Estados Unidos at bumiyahe nang 42 beses sa panahong nakapuwesto bilang chief comptroller ng AFP si retired Gen. Jacinto Ligot, base sa nakalkal na mga impormasyon ng Kongreso.
more