Tuesday, February 15, 2011

'MARCOS ILIBING NA DIN SA LIBINGAN NG MGA BAYANI'


Ni Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon)
marcosKatulad ni dating AFP chief of staff Angelo Reyes, iginiit kahapon ni Senator Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr. na dapat na ring ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang kaniyang ama na si Ferdinand Marcos na naging pangulo ng bansa.

Ikinatuwiran ni Marcos na hindi lamang isang magaling na sundalo ang kaniyang ama kundi ito rin ang pinakamatagal na na­ging Pangulo ng Pilipinas kaya nararapat lamang na ilipat na ito sa Libingan ng mga Bayani.
more