By Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon)
Hinamon kahapon ng isang senador si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na ibunyag kung sino ang supplier niya ng cocaine dito sa Pilipinas na naging dahilan ng pagkakakulong niya sa Hong Kong.
Ayon sa senador na tumangging magpabanggit ng pangalan, posibleng mabawi pa ni Singson ang nasirang reputasyon kung gagawa ito ng kabutihan at ibubunyag kung sino ang binilihan niya ng cocaine.