Browse »
Home
»
Pinoy News
»
30,000 PASAHERO NA-STRANDED: 2 TREN NG LRT NAGBANGGAAN
Nina Ricky Tulipat at Angie Dela Cruz (Pilipino Star Ngayon)

May 30 libong pasahero ng Light
Rail Transit (LRT) ang na-stranded matapos ipatigil ang operasyon nito nang magbanggaan ang dalawang tren sa North EDSA, Quezon City kahapon ng umaga.
Ayon kay Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT, ang pagkaka-stranded ng libong pasahero ay bunga ng malfunction ng kanilang sistema na naging ugat para magsalpukan ang dalawang tren.