by Pilipino Star Ngayon
Ayon kay MILF Spokesman Eid Kabalu, malapit na ang pagbubukas muli ng peace talks sa susunod na buwan kaya malabong maghasik pa sila ng karahasan. Sa katunayan anya ay kinokondena nila ang naturang insidente ng terorismo at handa silang tumulong para hanapin ang grupong nasa likod ng insidente.