Nawalan ng ng supply ng koryente ang mga residente sa Eastern Visayas region na binubuo ng isla ng Samar at Leyte provinces.
Dakong alas singko ng hapon nang minabuti ng power supply na i-cut off na muna ang power lines dahil sa ramdam na ang malalakas na hangin at pag-ulan.
Sa ulat ng Bombo Radyo Tacloban (habang sinusulat ang balitang ito) maayos pa naman ang signal ng kumunikasyon o cellphone.
Pero may ilang lugar sa Northern Samar at Eastern Samar ang pahirapan na ang kumunikasyon.
Iniulat ni DILG Sec Mar Roxas mula sa Borongan, na unang nawalan ng signal ang isang telecommunications company.
Ang Dolores, Eastern Samar na siyang unang tatamaan ng mata ng bagyo ay hindi na rin daw nakontak ng kalihim ang mga opisyal.
Nakarating din sa Bombo Radyo ang impormasyon na may naitala na ring pagkatumba ng maraming mga punungkahoy dahil sa lakas ng hagupit ng hangin.
Maraming mga residente na nasa evacuation centers at doon sa mga nananatili sa kanilang bahay ay nagsasagawa na lamang ng dasal na lumipas ang bagyo na hindi mangyari ang delubyo na dala noon ng supertyphoon Yolanda.
Continue Reading at Bomboradyo