By : Bomboradyo
LEGAZPI CITY-- Wala na halos na makikitang tao sa mga daan at liwasan sa lalawigan ng Albay habang unti-unti na ring nararamdaman ang epekto ng Bagyong Ruby.
Una nga rito, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagbabawal sa lahat ng mga tao na lumabas pa ng kani-kanilang mga bahay mula alas 5:00 ng hapon.
Kaugnay nito, nananatiling nakaalerto din ang Philippine National Police (PNP) at Philippina Army upang matiyak na walang susuway sa nasabing kautusan para na rin sa target na 'zero casualty'.
Bago sumapit ang dilim kanina ay naubos nang mailikas ang aabot sa 128,000 na mga pamilya mula sa iba't-ibang mga bayan at lungsod na delikado sa mga pagbaha, paguho ng lupa, malakas na hangin at banta ng Bulkang Mayon.
Samantala, ramdam na rin sa mga lalawigan ng Masbate, Sorsogon at maging sa Catanduanes ang pagbayo ng malakas na hangin, paghampas ng malalakas na alon sa dalampasigan at pagbuhos ng ulan.
Libu-libo na rin ang inilikas sa mga nasabing MGA lalawigan at sinimulan na rin ang pamamahagi ng mga ayuda sa mga ito.
Source : Bomboradyo