Saturday, December 14, 2013

Elizabeth Oropesa Open Letter to To DILG Secretary Mar Roxas Goes Viral (VIDEO)


MANILA - Multi-awarded and veteran Filipino actress, Elizabeth Oropesa has posted an open letter to Mar Roxas on her Facebook page that has gone viral. She wrote to express her take on the video controversy between Tacloban Mayor Alfred Romualdez and DILG Secretary Mar Roxas.


The open letter contains the personal take of the actress as to the controversial exchange of war words between the appointed DILG Secretary Mar Roxas and the incumbent Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

“Pauna ko na po ang paghingi ng paumanhin sa mga maka-Mar Roxas. 
“Hindi lang ako mapakali dahil kahit saan ko tingnan ay mali ang kanyang katwiran.
“Walang dahilan para pahirapan at huwag tulungan ang mga pobreng nasalanta ng bagyo,kahit sino pang Pilato ang nakaupo—kalaban man o hindi.
“Kung galit sila sa mga Romualdez, dapat parusahan nila ang mga Romualdezes!
“Hindi kailangan ang legalidad bago nila tulungan ang mga tao!
“Pare-pareho tayong mga Pilipino! 
“Nakalimutan na ba ni Mar Roxas ‘yan?
“Sobrang pumapapel sa presidente na kung tutuusin at kung siya ay may puso at tama 
kung mag isip... hindi po ba napakagandang halimbawa kung ora mismo ay tumulong siyasa kalabang partido, alang- alang sa mga nasalantang kababayan?!!!
“Eh ano kung Romualdez yun at Aquino ang Presidente? 
“Hindi ba Presidente siya ng lahat? Hindi ba sabi niya "Boss" niya tayo? 
“Sana tama na ang palusot. Huli na eh! Nasaan ba ang puso mo sir? 
“I'm sure meron naman kaya lang mukhang tumigas na at naluto sa ambisyon. 
“Alam n’yo po, walang pulitika sa langit. Dedma rin sa apelyido. 
“Ang importante ay kung paano ka magpatawad, magpakumbaba at tumulong ng buong puso at kaluluwa, hindi dahil sa pera o dahil sa boto. 
“Nakita n’yo naman ang mga pinagdaanan ng LAHAT na presidenteng inabot ko. 
“Si Apo Marcos..napakatalino! Pero ano ang nangyari sa talino at dami ng pera? 
“Hindi rin niya nadala ng mamamatay siya. 
“Marcos baby po ako at siya ang unang presidenteng nakilala ko. 
“Sumunod ay si Ramos. Mukha bang masaya? Hindi rin. 
“Si Pres Cory Aquino na ang sumunod. 
“Ano po ba ang ikinamatay? Old age? Hindi po ba cancer? 
“Kahit naging presidente, kahit naging hero ang asawang si B. Aquino, hindi pa rin nakaligtas sa cancer! 
“Tapos si Erap. Sikat na artista at mahal ng masa. Kaso pumalpak din. Kulong! 
“Si Presidente Gloria Macapagal- Arroyo..nakakulong pa rin. 
“Oh?.anong pruweba pa ba ang kailangan? 
“Hindi ba kahit sino ka, kahit gaano ka ka powerful..kahit ano pa ang apelyido mo hindi ka lulusot??? 
“Sana po, kayong mga may kapangyarihang tumulong sa kapwa, bigyan ninyo ito ng tamang pagpapahalaga dahil hindi kailanman natutulog ang Dios. 
“Gamitin ninyo ng tama ang kapangyarihan at perang hawak ninyo para mailigtas ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan din ng pagtulong sa mga nangangailangan. 
“Tama na po ang gantihan ng gantihan. Maawa na kayo sa atin. 
“Nakakahiya sa Dios at nakakahiya sa mga bansang tumutulong sa atin. 
“Hindi po ako nagmamalinis o nagmamarunong. 
“Marami din po akong kamalian pero malayong gawin ko ang mga ginagawa ninyong mga kabastusan at kahiya-hiyang pakikitungo sa inyong kapwa tao. 
“Yun lang po.”

The Roxas Romualdez Confrontation (42:56) Length



Mayor Romualdez, ikinuwento ang ginawa nilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Yolanda