Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Sunday, December 29, 2013

6 patay, 5 sugatan, banggaan ng pampasaherong bus at van sa Sorsogon






Kumpirmadong Patay ang anim na katao at lima ang sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at sport utility vehicle (SUV) sa Maharlika Highway, Barangay Bacolod, Juban, Sorsogon, alas-4:00 Linggo ng madaling-araw.


Kabilang sa mga biktima ang bus driver na si Danilo Montefalcon y Zapra, taga-Sampaloc, Manila; Rosalito Malig y Bobadilla, driver ng SUV; Alfredo Manansala y Manapol; Jaime Malabanan y Javier; Levy Erasga y Mercado; at Vicente Clarito y Antay, pawang galing sa relief operations sa Tacloban City at pauwi na sana sa Calamba City, Laguna.

Sugatan naman sina Ronalyn Dosa, Alvin Ruiz, Angelika Pagasertonga, Boy Navarosa at Analiza Macapanas na kasalukuyang nasa Sorsogon Provincial Hospital.

Ayon kay PO3 Jose Destacamento ng Juban Police at isa sa mga unang rumesponde, kabilang din sa mga nasawi si Donilo Montefalcon, driver ng Fortune Star bus na galing Maynila at patungong Guian, Samar

Sinabi ng kundoktor na malayo pa lamang sila, nakita na nila ang van na mabilis ang takbo at pagewang-gewang kaya tinangka nilang iwasan ito, pero nabigo at nangyari ang salpukan.

Tumagal ng mahigit dalawang oras bago mahugot ng iba't ibang rescue team ang mga naipit na biktima sa loob ng bus at van.

Dinala sa Irosin District Hospital ang mga nasawi habang ang mga nasugatan ay sa Sorsogon Provincial Hospital.

Sa ngayon, nasa Hadoc Funeral sa Juban ang labi ng mga biktima at nakatakdang isailalim sa otopsiya.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente bagama't lumalabas na head on collision ang nangyari.

Source : Bomboradyo,DZMM