Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Sunday, May 5, 2013

Pacers beat Knicks in Game 1 of Eastern Conference semifinals; 102-95






NEW YORK - Nagsanib puwersa ang dalawang "big guns" ng Indiana Pacers upang palasapin ng pagkatalo ang New York Knicks sa kanilang best-of-seven semifinal series.



Kabuuang 20 points ang ginawa ni David West na dinagdagan pa ni Paul George at nagawang talunin ang Knicks sa kanilang homecourt sa iskor na 102-95.

Kaagad na tinambakan ng Pacers ang Knicks kung saan umabot sa 16 na puntos ang kalamangan nila.

Ang rugged defensive style ng Indiana at ang foul trouble ni Carmelo Anthony ang dahilan sa pagkatalo ng New York.

Umiskor ng 27 points si Anthony.

Ang Game 2 ay gagawin sa Miyerkules sa Madison Square Garden, New York.



Source :(AP,Bomboradyo,bleacherreport)