Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Sunday, May 5, 2013

OKC beat Grizzlies in Game 1 of 2nd round playoffs; 93-91






OKLAHOMA CITY - Nakabuwena manong panalo ang Oklahoma City Thunders sa Game 1 ng kanilang semifinal round laban sa Memphis Grizzlies.



Sumandal ang Thunder sa kanilang star player na si Kevin Durant upang talunin ang Grizzlies, 93-91.

Nakapagtala ng 35 points si Durant at pinaghahandaan na nila ang susunod na diskarte sa Game 2 sa Miyerkules dahil alam nilang gagawa ng paraan ang Memphis upang makabawi.

Sa panig ng Grizzlies, nagtala ng double-double performance sina Marc Gasol na gumawa ng 20 points at 10 rebounds habang si Zach Randolf ay 18 points at 10 rebounds.

Ngunit ang magandang performance nina Gasol at Randolf ay hindi sapat para matalo ang Oklahoma.



Source : (AP,Bomboradyo,bleacherreport)