Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, May 7, 2013

Mike Conley, nanguna sa panalo ng Memphis Grizzlies vs Oklahoma City Thunder; 99-93






Oklahoma City -- Nagawang maitabla ng Memphis Grizzlies sa 1-all ang serye kontra Oklahoma City Thunder sa nagpapatuloy na Western Conference semifinals.

Nagtala ng 26 points si Mike Conley para pangunahan ang 99-93 victory ng koponan.

Si Mark Gasol ay mayroong 24 points at 5 rebounds, 15 points at 8 rebounds si Zach Randolph.

Tinanghal naman na best performer ng Oklahoma City Thunder si Kevin Durant matapos gumawa ng 36 points.