Binigyang-diin ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi dapat masamain ng mga negosyanteng Filipino-Chinese ang kanyang pagtuligsa sa ilang kasamahang hindi nagbabayad ng buwis.
Sinabi ni Pangulong Aquino na para din sa kapakanan ng mga miyembro ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCII) ang kanyang babala kagabi.
Ayon sa Pangulo, magpapatuloy ang paglago ng kanilang mga negosyo kung malaya ito mula sa mga pagbabanta o panggigipit.
Makakaasa daw ang mga Filipino-Chinese businessmen na hindi mapupunta sa wala ang kanilang mga buwis at maari din silang magsumbong sa kanya kung may manggugulang o magsasamantala sa kanilang negosyo.
Continue Reading at Bomboradyo