Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, February 5, 2013

Myanmar White Angels Vs Azkals at 6:30pm at Yangon, Etheridge, balik sa lineup






MYANMAR - Umaasa ang Myanmar White Angels na makakabawi mula sa pagkatalo sa Suzuki Cup laban sa Philippine Football team Azkals.


Ang friendly game ng Azkals at White Angels na magsisilbing unang laban ngayong taon.

Babalik na rin sa lineup ng national team ang star goalkeeper na si Neil Etheridge at midfielder Manny Ott matapos ang hindi paglalaro noong Suzuki Cup.

Kabilang sa mga starters ng Pilipinas ay sina Ian Araneta, Chiefy Caligdong, Marvin at Marwin Angeles at Phil at James Younghusband.

Ang friendly game ng Azkals ay bilang preparasyon sa gagawing AFC Challenge Cup qualifiers sa susunod na buwan.

Source : Bomboradyo