Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, January 8, 2013

Missing Person Robert Sanchez Special Child, Bataan






Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo na ikalat po ang larawan na ito para kay Mang Arthuro Sanchez 65 years old upang kahit sa ganitong paraan makatulong tayo sa paghahanap sa kanyang nawawalang anak na si Robert Sanchez.


Mahigit isang taon ng nawawala si Robert pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Mang Arthuro na magkikita silang mag-ama. Naglalakad lakad cia sa bawat barangay dito sa Bataan at sa karatig probinsya na nagbabasakali na may nakakita kay Robert at kung minsan tatlong araw hanggang apat na araw syang naghahanap sa bawat barangay na kanyang napupuntahan at kung saan siya inabutan ng gabi dun na din siya natutulog.


Umaasa siya na magkikita muli sila ni Robert Sanchez. Si Robert ay isang special child na may nakapagsabi na huling nakita sa palengke ng Olongapo. Umaasa po ako na sana sa pamamagitan ng Social Media ay makatulong po tayo para kay Mang Arthuro Sanchez na hindi nawawalan ng pagasa na magkikita silang muli ng kanyang anak.

Kung may nakakita o kumupkop kay Robert Sanchez Ipagbigay alam lang po sa contact nos.
0918-688-8430
0906-806-2459

Mariveles Bataan Police Station
935-4627

Maraming Salamat po sa tulong..

Source: Ako Si Yin