Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Monday, January 28, 2013

Malacañang - Repasuhin ang security procedures sa mga malls






Pinaalalahanan ngayon ng Malacañang ang mga mall operators lalo na ang SM management na repasuhin ang kanilang security measures.

Kasunod ito ng nangyaring panloloob sa SM Megamall noong Sabado at dalawang shooting incidents sa SM malls sa nakaraang linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dapat pangunahing konsiderasyon ng mga mall owners ang kaligtasan ng mga mallgoers at paigtingin ang pagpapatupad ng seguridad.

Ayon kay Lacierda, dapat tiyakin ng mga ito na epektibo ang kanilang mga security equipment para ma-detect ang mga ipinapasok na baril sa mga malls.

“I think the SM management should take stock of the security measures that they have in their own malls and that goes not only for SM but also for the other mall operators. It’s important that...we have a culture of malling, that’s unique with the Filipinos. So there’s an emphasis on gathering in malls in spite of the fact that these are... These malls have assumed a quasi-public character where, despite being owned privately, people do patronize malls and spend their weekends in malls whether they’re buying (something) or not. In that regard, we would like to appeal to the mall operators to study their security measures and make sure that the security equipment that they have installed in their premises does in fact detect the presence of firearms,” ani Lacierda.

Source : Bomboradyo