This is Jinerose Obra Bulsan from pangasinan, isa pong OFW sa Qatar bilang domestic helper na 5 buwan pa lang doon. Eto ang una niyang pag-aabroad at sa kasamaang palad naging impyerno ang buhay niya na sana'y para sa mga anak ang kikitaing pera.
Nakasabay ko po siya pauwi ng pilipinas na ganito na ang kalagayan na nahihilo pa at walang kain dahil binugbog ng amo niya na isang Lebanese.
Ikinulong sa kwarto ng isang lingo na walang kain kain ni hindi man lang siya binigyan. Sabi nya inuuntog untog ng amo niyang lalaki ang kanyang ulo sa pintuan habang ang kalahati ng ulo at mukha niya'y namaga ng husto. Dahil sa takot sa amo di man lang niya nagawang magsumbong sa ating embassy at humingi ng tulong sa takot na hindi daw siya bibigyan ng ticket pauwi ng pinas kung magsusumbong siya.
Ni hindi man lang siya pinagamot ng amo binigyan lang daw siya ng cream para sa namamaga niyang mukha. At ang sahod din niya'y di binigay. Simula ng dumating siya sa Qatar ay kinuha ang kanyang cellphone at di man lang nya nakausap ang kanyang pamilya sa pinas ng 5 buwan rin, saka pa niya nakausap nung kami'y nagkita sa airport at pauwi na.
Ako'y naantig dahil habang nagkwekwento ay ramdam pa rin niya ang sakit na sinapit sa malulupit niyang amo at sabik na sabik na umuwi sa pamilya. Ni pasalubong sa mga anak ay wala ni chocolate o candy para sa maliliit na mga anak niya.
Nang kami po'y lumapag sa Pinas ay may roon ding nag-abot ng kaunting tulong mula sa ating kababayan at dumiritso kami sa OWWA upang matulungan siya at malocate ang kanyang agency at mabigyan ng kaunting tulong mula sa gobyerno.
Ang sabi ng Owwa ay dapat ma CT Scan siya (eh dapat lng po kasi nangyari ang lahat noong Oct 12, 2012 pa po) so ang sabi after a week ay dapat makabalik siya sa manila upang e CT Scan.
Ngunit bakit po, ano nangyari sa OWWA until now di pa rin nagagawa ang CT Scan niya ang sabi ay sa January 2013 na daw e paano po e until now nahihilo pa siya at nung nagpacheck up siya sa doctor sa kanilng lugar ang sabi as soon as possible dapat na po cya ma-CT Scan, diba po bago mag abroad ang isang OFW ay maybinabayaran bago makaalis.. maawa naman po kayo baka sa January 2013 huli na ang lahat at least habang maaga pa maagapan kung ano man ang nasa loob ng kanyang ulo dahil sa sobrang maltrato ng amo niya. Kapos din sa pera c Jinerose kaya po ng abroad para maiahon ang pamilya sa kahirapan. Ako po'y nanawagan sa gobyerno or kahit sino man kayang tumulong.
Paki share naman sa lahat at para mabigyan din babala sa lahat ng mga OFW na naghanapbuhay para maiahon sa kahirapan ang pamilya... Sana'y mabgyan cya ng tulong ng gobyerno kahit man lang pang CT Scan nya.... maraming salamat sa lahat na ngbigay ng oras para basahin at maeshare ito.. God bless us all..
Source: Overseas Filipino Workers (OFW)