Thursday, December 13, 2012

San Mig and Talk 'N Text Pasok na sa Final Four (PBA) Philippine Cup


Pasok na sa Final Four ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup ang defending champion Talk 'N Text (TNT) Tropang Texters.

Tinalo ng Talk 'N Text ang seeded number eight team na Air21 Express, 105-100.

Malaking tulong sa panalo ng TNT sina Ryan Reyes, Larry Fonacier at Jason Castro, na nakapagtala ng double digit scores.

Umiskor ng tig-16 points sina Reyes at Fonacier habang si Castro ay gumawa ng 15 puntos.

Sa panig ng Express, nanguna si KG Canaleta sa kaniyang 25 points.

Samantala, naging bida naman sa panalo ng San Mig Coffee Mixers ang kanilang point guard na si Mark Barroca.

Kabuuang 16 points ang ginawa ni Barroca para sa Mixers upang talunin ang Petron Blaze Boosters, 92-87. ( medianet_width='600'; medianet_height= '250'; medianet_crid='876816589';