Monday, December 31, 2012

NBA - Clippers 'perfect month' sa ika-17th win


LOS ANGELES - Todo ang pagbubunyi ng Los Angeles Clippers matapos maitala ang ika-17 sunod sunod na panalo laban sa Utah Jazz sa score na 107-96.

Tinawag na "perfect month" ang ginawa ng Clippers upang tanghalin na pangatlong team sa kasaysayan ng NBA na magtala ng perfect record sa loob ng isang buwan.

Aminado si coach Vinny Del Negro na dati rati ay halos balewala lamang ang kanilang performance pero ngayon ay nagasaya na sila ng husto.

''When we win we usually jump up and down once or twice,'' ani Del Negro. ''Tonight we let them jump and down three or four times, so everyone had their fill.''

Humanga rin si Chris Paul sa kanilang record performance.

''I am amazed because I haven't done it since I've been in the league,'' wika pa ng seven-year veteran na si Paul, kung saan ang 19 points at nine assists ay tumulong ng husto upang mamantine ang best record sa liga na 25-6.

Continue Reading at BomboRadyo