Sunday, December 30, 2012

Naputukan sa NCR mahigit 216 na, Ingat sa paputok ngayun (DOH/PNP)


Ayon sa Department of Health (DoH) spokesman Eric Tayag, pinakamaraming biktima ay dahil sa piccolo sa Metro Manila.


Mula pa nitong nakalipas na araw ay nakaalerto na ang DoH lalo't unti-unti nang dumarami ang mga biktima ng paputok.

Patuloy naman ang paalala ng ahensya sa mga magulang na ilayo ang mga kabataan sa paputok upang iwas disgrasya.

Sa lungsod ng Maynila una nang naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng programang "Paputok Palit ng Laruan."

Ayon kay DSWD Manila head Jay Dela Fuente, layunin nitong mabura na ang taunang record na umaabot sa 1,000 katao ang napuputukan sa pagsalubong sa bagong taon, kung saan karamihan sa mga ito ay mga kabataan.

Nagtalaga ang DSWD ng "palit areas" para doon dalhin ang mga paputok na papalitan ng iba't-ibang laruan na angkop sa edad ng mga bata.

Pabor naman sa naturang proyekto ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at Department of Health (DoH).

Isinusulong naman ng BFP ang pag-ban na lamang sa nasabing mga firecrackers. (Bomboradyo)