Tuesday, December 11, 2012

Manny Pacquiao, sa Pilipinas na


Sa kabila ng pagkatalo kay Juan Manuel Marquez, mainit pa rin ang ginawang pagsalubong sa pagdating sa Pilipinas ni dating 8-division world champion Manny Pacquiao.

Kasama ang buong Team Pacquiao at asawang si Jinkee, sinalubong si Pacquiao nina Vice President Jejomar Binay at ilang pang opisyal ng pamahalaan.

Sa kaniyang arrival statement, nagpapasalamat si Pacman sa patuloy na pagsuporta sa kaniya sa kabila ng hindi naging matagumpay ang laban kay Marquez.

Ayon kay Pacquiao, aminadong hindi na niya alam ang nangyari noong bumagsak siya at nangakong babalik muli sa boxing ring at babangon mula sa one-punch knockout.

"We will rise again," wika ni Pacman.

Pagdating sa airport, didiretso sa isang hotel sa Pasay si Pacman para sa mag-almusal kasama ang ilang top executives ng isang television station. (Bomboradyo)