Friday, November 9, 2012

Sunog sa basement ng mall sa QC, under control na - BFP


Matapos ang ilang oras na sunog na nangyari sa basement ng Gateway Mall sa Araneta Center, Cubao Quezon City, na umabot pa sa ikatlong alarma agad naman itong naapula ng mga rumesponding bombero.


Image from forum.philiboxing.com
Sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng National Capital Region Bureau of Fire Protection (BFP) bago mag alas-12:00 ng hating gabi na nang naapula ang sunog sa naturang mall.

"Fire Alert: As of 11:23 PM, fire at Gateway Basement is now under control. #mmda ayon sa MMDA twitter.

Sa inisyal na ulat galing umano ang sunog sa generator habang patuloy pang inaalam ang pinsala nito.

Napag-alaman na nagdulot ng matinding daloy ng trapiko ang insidente partikular na ang northbound lane ng Edsa mula Ayala patungong Cubao. (Bomboradyo)