BOSTON, Massachusetts - Binati ni Republican challenger Mitt Romney si US President Barack Obama sa muli nitong pagkakahalal bilang pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa.
Sa kaniyang pag-concede, sinabi ni Romney sa harap ng libu-libong supporters sa Boston, Massachusetts, sinabi ng dating gobernador na kaniya nang tinawagan at binati si Obama sa panalo nito.
Hangad umano niya ang kabutihan para sa Pangulo, First Lady Michelle Obama at dalawang anak.
Ayon pa kay Romney, kasama siya sa mga magdadasal para kay Obama na magtagumpay para hawakan ang renda ng pamumuno sa Estados Unidos.
Pinasalamatan ni Romney ang kaniyang pamilya partikular ang misis na si Ann Romney at limang anak, mga manugang at apo.
Magiging magaling aniya sana na first lady ang kaniyang esposa.
Taos puso rin ang pasasalamat ni Romney sa running mate na si Rep. Paul Ryan na isa aniya sa magandang desisyon na kaniyang nagawa.
Continue Reading at Bomboradyo