Agad sisimulan ang mahigpit na ensayo ng Philippine Volcanoes Men’s Rugby team ngayong nahaharap sila sa malaking laban sa susunod na taon.
Ayon sa Philippine Rugby Football Union (PRFU), malaking bagay ang panalo ng mga Pinoy laban sa South Korea dahil nagdala ito sa kanila sa mas mataas na antas at pasok na rin sila sa 2013 Rugby World Cup 7s sa Moscow, Russia.
Katunayan, itinuturing ito ng Philippine Volcanoes na isang malaking achievement ang naturang panalo, habang tila paghamon na rin ito dahil sa napipintong laban sa Moscow, Russia.
Isasagawa ang laban sa Hunyo ng taong 2013.
"This latest milestone is the 3rd in what has been the Volcanoes most successful year in its existence. Starting 2012 with a debut in the prestigious Hong Kong 7s International Tournament in March, they then went on to win Division 1 of the Asian 5 Nations tournament in April placing themselves among the top 5 elite teams in Asia," ayon sa PRFU. (BomboRadyo)
Photos : google.com