Kung si Mexican boxing champion Juan Manuel Marquez ay walang patid ang ginagawang pag-eensayo, kabaliktaran naman ang nangyayari kay kay 8-division world champion Manny Pacquiao.
Ayon sa ulat, dismayado si chief trainer Freddie Roach matapos malaman na hindi nakapag-jogging sa kaniyang morning routine si Pacquiao.
Sinasabing ang dahilan ay naging abala si Pacman sa kaniyang Bible sharing na naging dahilan sa late nitong pagbangon.
Sa panig ni Marquez, puspusan ang sparring nito kasama ang dalawang southpaw na sina Ivan Drago at Rocky Marciano.
Ang Pacquiao-Marquez fight ay gagawin sa December 9 sa MGM Grand Garden, Arena, Las Vegas, Nevada. (examiner,BomboRadyo)