Monday, November 19, 2012

OFW sa Israel, nakaligtas sa pagsabog ng rocket attack


KALIBO, Aklan - Masuwerteng nakaligtas sa pagsabog ng rocket attack ang isang Aklanon OFW na nakabase sa Tel Aviv, Israel.

(Menahem Kahana/AFP/Getty Images)

Sa interview ng Bombo Radyo Kalibo kay Dianne Rubio Geneta ng Brgy. Cerrudo, Banga, Aklan, isang caregiver sa Israel sinabi nito na muli silang nakarinig ng sunod-sunod na sirena

kagabi bilang senyales na kailangan nilang maging alerto dahil sa walang humpay na rocket attack ng militanteng Hamas.

Ayon sa kanya, habang bitbit niya ang kanyang bag at mga mahalagang dokumento kasama ang kanyang inaalagaang naka-wheelchair na matandang babae ay nalingunan niya ang isang rocket papunta sa kanilang building.

Continue Reading at Bomboradyo