Malalaman na simula ngayong Martes o Miyerkules ng madaling araw (oras sa Pilipinas) kung ang pulso ng mga Filipino-Americans sa Estados Unidos ay muling iboboto si Barack Obama sa kanyang ikalawang termino.
Noong 2008 kasi nasa 50-58 porsyento ng mga botanteng Pinoy ay inihalal si Obama, na siyang kauna-unahang pagkakataon na ang Filipino-Americans ay pinaboran ng nakararami ang isang Democrat presidential candidate.
Ito ay taliwas noong taong 2000 at 2004 U.S. presidential elections na kinampihan ang Republican presidential candidate na si George W. Bush.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Leo Aromin, ang publisher/editor ng American-Filpino Journal, iniulat nito na mas lalong naging aktibo ang mga Fil-Am leaders sa pangangampanya sa mga kababayan kumpara sa mga Fil-Am Democratic leaders.
Naniniwala kasi si Aromin na tradisyunal na ring konserbatibo ang mga Pinoy na siyang linya ng ilan sa polisiya ng Republicans.
Continue Reading at BomboRadyo