Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Friday, November 16, 2012

Magdamag na Pinaulanan ng Rocket ang Israil kontra Gaza City






GAZA CITY - Magdamag na inulan ng rocket ng militanteng Hamas ang ilang target sa Israel sa gitna ng tumitinding sagupaan ng magkabilang panig.


(Reuters/Mohammed Salem)

Ayon sa Israeli military, 97 na mga rocket mula sa Gaza ang tumama sa kanilang bansa habang 99 iba pa ang naharang ng kanilang missile defense system.

Dalawa sa mga rocket ay tumama mismo sa kabisera na Jerusalem habang muli namang tinarget ang Tel Aviv pero hindi tinamaan.


Sinabi ni Israeli Ambassador to United States Michael Oren, ang ginawa ng Hamas na pag-atake sa major population centers nito ay tanda lang ng lumalala pang kaguluhan.


Hindi naman aniya "superhuman" ang Israel para lang magpaubaya sa ginagawang karahasan ng Hamas.

Continue Reading at bomboradyo