Monday, October 1, 2012

RUBIO, MAAYOS NA NAG-RERECOVER MULA SA KNEE SURGERY


Right on track ang recovery ni Minnesota Timberwolves point guard Ricky Rubio mula sa reconstructive left knee surgery.

Sa katunayan, nagsimula nang tumakbo sa treadmill ang 6’4” Spaniard may tatlong linggo na ang nakakaraan, pero hindi pa siya pinapayagang tumalon ng mga doktor.

Siya ay huling naglaro sa laban kontra Los Angeles Lakers noong March 10, at dito nga siya nagtamo ng acl tear sa kaliwang tuhod.

Ayon kay Rubio, hindi pa niya alam kung kailan makukumpleto ang proseso ng kanyang rehabilitation, subali’t hindi umano siya magbabalik sa playing court hangga't hindi tuluyang naghihilom ang kanyang injury.

Pero pagtataya ng mga medical experts, maaring sa Disyembre o Enero ay muling makapaglaro ang 21-year-old incoming sophomore guard.

Source : PTVNews