Nagbabala ngayon ang Pagasa sa posibilidad na pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng bansa loob ng 24 oras.
Ito ay kaugnay sa binabantayang low pressure area (LPA) na papalapit na sa Mindanao.
Huling namataan ang sama ng panahon 1,010 kilometro sa silangan ng Mindanao at nakapaloob ito sa umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Sa ulat ng Typhoon2000.ph maaaring maging tropical cyclone ang naturang LPA at mabubuo malapit sa Northern Mindanao o Eastern Visayas hanggang Oktubre 26.
Sakaling maging bagyo ay tatawagin itong Ofel.
Samantala, nag-abiso naman ang Pagasa sa pag-iral ng malalakas na alon na makakaapekto sa northern at eastern seaboard ng Luzon at eastern seaboard sa Visayas.
Source : PinoyBalita