LOS ANGELES - Tinalo ng Dallas Mavericks ang Los Angeles Lakers sa opening game ng NBA season, 99-91.
Pinataob ng Mavericks ang Lakers ito'y sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang star player na si Dirk Nowitzki. Naglaro para sa Lakers ang bago nilang acquire player na sina Dwight Howard at dating MVP Steve Nash.
Halos lahat ng starting five ng Mavericks ay umiskor ng double digit at naging maganda ang kanilang shooting performance kaya't nagawang talunin ang 16-time NBA champion.
Nanguna sa panalo ng Dallas ay si Darren Collison sa naitala nitong 17 points na dinagdagan pa ng 14 na puntos ni Brandan Wright. Sa panig ng Lakers, si Kobe Bryant ay kumamada ng 22 points habang ang Spanish forward Pau Gasol ay nagtala ng game-high 23 at Dwight Howard 19 points.
Source : Bomboradyo