CLEVELAND -- Gumawa ng career-high na 23 rebounds si Anderson Varejao habang 29 points naman ang naitala ni Kyrie Irving para pangunahan ng dalawa ang panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Washington Wizards, 94-84.
Sa third quarter ng laro, halos 16 puntos ang naging lamang ng Cavs. Nagtala rin ng career-high na 9 assists si Varejao habang nagpasikat naman ng dalawang setting up dunks si Tristan Thompson pagpasok ng last two minutes.
Pinangunahan naman ni Jordan Crawford sa kaniyang 11 points ang Wizards. Hindi naman nakalaro ang star point guard na si John Wall dahil sa knee injury.
Source : Bomboradyo