Monday, October 22, 2012

9 lugar nasa signal no. 1 dahil kay Ofel


Nasa ilalim ngayon ng public storm warning signal one ang ilang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Ofel.

Sa latest forecast ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 460 kilometro silangan ng Hinatuan City, Surigao Del Sur.

Taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at kumikilos ito sa direksiyong pakanluran sa bilis na 15 kilometers per hour (kph).

Nakataas ngayon ang signal number 1 sa Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Western Samar, Surigao Del Norte, Dinagat Island, Surigao Del Sur, Agusan Provinces at Camiguin Island.

Ang bagyong Ofel ay tinatayang nasa layong 140 kilometro silangan ng Surigao Del Sur sa Martes ng gabi at sa Miyerkules ay nasa layong 40 kilometers (km) east of Mactan, Cebu.

Pinag-iingat naman ng weather bureau ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa eastern seaboards ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil pa rin sa bagyong Ofel.

“Fishing boats and other small seacrafts are advised not to venture out into the eastern seaboards of Southern Luzon, Visayas and Mindanao due to Tropical Depression “Ofel ” and the Northeast Monsoon.”

Source : PinoyBalita