Wednesday, September 5, 2012

New Suicide incident, Lalaki nasagasaan ng tren, patay


KALUNUS-LUNOS ang sinapit na kamatayan ng 50-anyos na lalaki nang maputol ang dalawang hita at kanang braso matapos masagasaan ng commuter train kahapon sa Taguig City.

Tinangka pang isugod ng kanyang asawa ang biktimang si Rolando Bustamante sa Taguig-Pateros District Hospital subalit hindi na rin ito umabot ng buhay sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa trahedya.

Batay sa ulat, nakaupo at nag-aabang ng masasakyang jeepney sa isang terminal sa east service road sa gilid ng riles ng train sa Western Bicutan ang biktima, kasama ang asawang si Elizabeth, dakong alas-3:30 ng hapon upang umuwi na sa kanilang tirahan sa Sitio Masagana, Western Bicutan, nang tumayo ang lalaki upang umihi malapit sa paradahan ng tricycle.

Bigla umanong nahilo ang biktima at natumba sa mismong riles kung saan nagkataon namang para-ting ang isang commuter train patungong Laguna na naging dahilan upang magulungan ang dalawa ni-yang binti at kanang braso.

Source : http://journal.com.ph