Monday, June 18, 2012

Rey Langit - Condo Robbery, Sikat na Modus Operandi


Sa panimula ng classes, uso ang nakawan, Mga students ang target, sila ang iniisahan. Sa mga tinitirhang condominium nagaganap ang sabwatan, Security madalas napagbibintangan. Target na Condo katabi ng Paaralan... Kumportable mga estudyante at Itoy tambayan Laptop, cellphone, etc. expensive na Ari-arian.. Sino ngayon dapat pagbintangan?

Noong Biyernes lang, isang Unit ang pinasok at pinagnakawan, Apat na laptops, ipad, 2 cameras, mga watches, cellphone, etc., worth P300,000. Parang holdup-an. Tapat lang ng DLSU na Condo, security daw walang kinalaman. Isa pang Mac Book Pro, ang natangay P99,000. ang presyo... Naku, sabay dighay! Laman nito'y mahalaga... sa iyo ngayoy mawawalay, Tapos wala pang mapagbintangang kapit-bahay.

Sa mga Condo CCTV ay mahalaga... Laluna kung ang mag nanakaw gusto mong Makilala. Kung ang magbe-Break-in ay taga roon lang at ka-building pa, Sa management ng CityLand itoy mortal sin, malaking Pagkakasala. Dalawa raw sa apat na CCTV ay busted, Anong mensahe ang gusong ihated. Ito nga ba ay Admin Accountability? O nagguhugas ng kamay at nag-ahanap ng damay ang Security. Ang malungkot na katotohanan.... Bago pa naganap sa 23rd floor ang nakawan, Sa 25ft floor ay may roon na rin palang unit na napasukan, Parehong modus operandi, security walang sinabihan.

Paano kang mag-titiwala... Kung sila mismo ay ayaw magpalabas ng babala. Hindi ba masyadong obvious at halata, Na gusto nilang pagtakpan ang krimen, halatang halata! Forty floors na may busted na CCTV, Ano inyong Opinion? Kaya ba ng apat na guards lang..? Isa pa itong question, Mga 300 rooms, ano inyong nasa isip, At matinding suggestion. Sa kapakanan ng mga bata, kailangan paspasang Action.

Manila Residences -Tower I, ang condominium na Ito, Hangang kailan pweding mapanatag kalooban ninyo? Kung kayo ay may anak na nagdo-Dorm dito... Baka sila ang next victim, extra careful kanyo! Pagma-Market sa Cityland Condo, patuloy ang paanyaya, Kung mabulgar ang nakawan, Paano na Kaya. Pero ang tanong ng magulang, anak namin safe naman kaya? Tahimik lang sila, dahil mga biktima'y bata. Di na dapat pagkatiwalaan... kung ganyan ang Mega Force Security, mag-isip ng maka-100 beses, kung hangad natin ay safety. Cityland, may hangad pa ba kayong magbenta ng condo at may bumili? Building Administration, malaki ang inyong responsibility!

Sources: Rey Langit, Life and Fever, An Open Window, Freaked out Stef dela Cruz