June 16, 2012, Saturday - On my way home to Imus, at exact 9:45pm. Naging biktima po ako ng “Puruntong Gang”. Magingat po kayo sa lalakeng ito, lalong lalo na po sa mga kababaihang umuuwing mag-isa.
Nagmamaneho ako pauwing Imus, Cavite nang may narinig ako tunong "kalampag" sa likod ng sasakyan ko. Di ko alam kung may tinamaan ako, o may tumama sa akin. Di ko nalang pinansin, pagkatapos ng ilang minuto, may motor na nagovertake sa 'kin, sumisignal.
Parang nagpaparamdam na siya yung bumangga sa`kin. Huminto sya sa at tumabi madilim na lugar, at ako si tatanga tanga, sinundan at tumigil din. Lumapit sya sa`kin, binaba ko yung window, at sabi nya "Ako yung nakabangga sa`yo", bigla bigla akong bumaba para icheck yung bangga. Tapos ang sabi nya, "Magkano kaya ang babayaran ko?", Sagot ko, "Di ko po alam kuya. Wait po, tatawag po ako". Sabi nya, "Kanino ka tatawag?". Sagot ko, "Sa Mama ko po".
Bumalik ako sa loob ng sasakyan para kunin yung Sun Cellphone (cherry mobile) na nasa loob ng bag ko. Bumalik ako sa driver seat, hinanap ko yung cherry mobile sa bag ko. Bigla bigla nyang binuksan ang kabilang pintuan sa may passenger seat, sabay sabi "Wag kang maingay. (sabay labas ang baril), holdap to.. papatayin kita pag nag-ingay ka, Akana Cellphone mo (Samsung S3)." Sa mga oras na yun, wala akong ginawa kundi umiyak, di mapigil ang iyak ko.
Sabi ko, "Kunin nyo nalang po ang bag ko. Wag nyo po akong sasaktan." Habang abala sya sa pagchecheck ng laman ng bag ko, tinago ko yung susi ng kotse at yung Samsung S3 sa ilalim ng driver seat, at nung abala parin sya sa pagcheck ng bag ko. Kinuha ko yung pagkakataon na yun, makatakas. Binuksan ko yung pinto, Tumakbo papalayo. Humingi ng tulong sa mga tricycle driver sa kanto, at bumalik.
Pag balik namin, naka-alis gamit yung motor dala yung bag ko. Laki pasalamat ko, di nya natangay pati sasakyan ko, di nya nahanap yung susi. Bumalik ako sasakyan, trauma, umiiyak, nagdasal ako kay Lord. Nagpapasalamat, dahil buhay pa ko. After ng ilang minuto, dali-dali akong pumunta sa Police Station at nagreport.
Added Info:
- Madami na po syang nabiktima. Photo po yan sa police station.
- Happened at Palico 3. Intersection ng MCI, Imus.
Source :everythinginbudget