MANILA, Philippines - Ibasura dapat ng gobyerno ang anumang tulong sa mga Filipinong nasasangkot sa kasong illegal drugs sa ibang bansa.
Sinabi ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento na putulin na ang pagtulong at bigyan ng malamig na trato ang mga Pinoy na nahahatulan dahil sa kasong drug trafficking sa bansa, kabilang na riyan ang mga nagpapairal ng death penalty.
Ayon kay Rep. Sarmiento, naangkop ang legal assistance sa mga Pilipino sa panahong nililitis pa lamang ang kaso subalit kung mapatutunayan nang guilty ay marapat nang dumistansya ang gobyerno.
Ipinunto ni Sarmiento na bagamat obligasyon ng pamahalaan na tulungan ang mga nangangailangan ay mas mabigat ang responsibilidad ng estado na protektahan ang mga mamamayan nito laban sa ilegal na droga.
Naniniwala pa ang kongresista na posibleng makulayan at mangahulugan ngayon na ang mga Filipino narco-traffickers ang nagiging biktima sa halip na sila ang mga gumawa ng heinous crime na sumisira rin sa mas maraming buhay.
Continue Reading at PhilStar.Com