Sunday, November 27, 2011

TITULONG 'PRESIDENTE' IBIBIGAY KAY FPJ


MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections (Come­lec) na ibibigay nila sa namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. ang titulong Presidente kung talagang mapapatunayan na ito ang nanalo sa naganap na Presidential election noong 2004.


Ang paniniyak ay ginawa ni James Jimenez, spokesman ng Comelec sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan.

Ayon kay Jimenez, hi­nikayat niya ang lahat ng may nalalaman sa umano’y naganap na da­yaan noong 2004 election na lumantad na at magsalita sa kanilang na­lalaman.

Sa ngayon aniya ang ikinakaso kay Arroyo ay may kinalaman sa 2004 at 2007 election at wala pang kinalaman sa pan­daraya kay FPJ.

Samantala, sinabi na­­man ni Rex Cortez, spokesperson ng FPJ for Presi­dent Movement na naka­ takda nilang sampahan ng kaso sa mga su­sunod na panahon si dating Presidential Spokes­man Ignacio “Toting” Bunye.

Continue Reading at Pilipino Star Ngayon