Monday, October 24, 2011

Ang Dating Daan, muling pinarangalan dahil sa aktibong kontribusyon sa blood donation project ng Philippine Red Cross


QUEZON PROVINCE, Philippines — Bawat oras ay may nangangailangang masalinan ng dugo dahil sa sakit na dengue, cancer, o kaya ay biktima ng aksidente.

Dahil sa layuning matulungan ang mga nangangailangan ng dugo, patuloy na itinataguyod ng Department of Health ang proyekto na may temang “Patak ng dugo mo, Daloy ng buhay ng kapwa mo” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng blood donation activities sa buong bansa.

Kaisa ng DOH sa proyektong ito ang mga taga-suporta ng Ang Dating Daan, at ilang beses na ring nagsagawa ng bloodletting activity ang grupo upang makatulong sa DOH at mga affiliate groups nito, gaya ng Philippine Red Cross.

Dahil dito, muling kinilala ng DOH at Philippine Red Cross sa nakalipas na 1st Regional Sandugo Awarding sa Quezon Province ang aktibong pagtulong ng Ang Dating Daan sa voluntary blood donation program ng pamahalaan.

Continue reading at UNTVNEWS