Tuesday, August 9, 2011

Arnold Clavio hinamon sa DNA test


Pilipino Star Ngayon - Hinamon ng DNA test ang batikang brodkaster na si Arnold Clavio ng GMA 7 dahil sa patuloy na pagtatatwa nito na siya ang ama ni Arrah Mae, anak ni Sarah Balabagan.

Sinabi ng isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan na noong Nob. 11, 2002, sa isang detalyadong sinumpaang salaysay, inamin ni Balabagan ang kanilang relasyon ni Clavio.



Ito ay pinatotohanan ni Florence dela Cruz, matalik na kaibigan at dating kasambahay ni Sarah sa Mandaluyong. "Panay ang punta ni Kuya Arnold (Clavio) sa bahay lalo na kung weekends," ayon kay Florence.

Si Alex Tatad, isang malapit na kaibigan ni Sarah ang nagkumpirma rin nito. Ayon sa kanya, noong Nob. 7, 2002, nagtungo sila sa bahay ni Clavio sa Tondo para bisitahin si Arrah Mae pero sila ay hindi pinapasok ng ina nito.

Dahil sa sinumpaang salaysay ni Sarah noong Nob. 2002, napilitan si Arnold na isauli kay Sarah ang kanilang anak kasabay nang pagbibigay ng buwanang sustento.

Sa ngayon, hinahamon din ng ilang grupo na patunayan ni Arnold na hindi siya ang ama ni Arrah Mae sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa DNA test kasama ang batang anak ni Sarah.