By Jasper Barcelon, Abante Tonite
Pinagbawalan na muna ng Commission on Higher Education (CHED) ang ilang eskwelahan na mag-offer ng kursong education, nursing, Information Technology (IT), maritime at Hotel and Restaurant Management (HRM) sa dara ting na pasukan.
Ito ay dahil sa mataas ang backlog ng mga gra duates sa mga nabanggit na kurso.
Ayon kay Atty. Julito Vitriolo, executive director ng CHED, may mga eskwelahan ngayon ang nag-aaplay para mag-alok ng mga nabanggit na kurso subalit hindi nila ito inaprubahan dahil sa ipinatutupad na moratorium.
Nakababahala aniya ang mataas na bilang ng mga nurse at guro na walang trabaho.
Pinayuhan din ng CHED ang mga high school gra duate na kumuha na lamang ng mga kursong may mataas na demand sa trabaho gaya ng agri business, cyber ser vice, business outsourcing, construction industry, banking and finance, manufacturing, health related and wellness service at maging ang engineering at technical courses.