By Abante Reportorial Team “Nakakatakot! Ipagdasal n’yo ako, ayokong mamatay dito.” Ito ang umiiyak na bilin ni Riza Sermino, 46, hotel staff sa Tokyo, Japan nang makausap sa telepono ng kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas habang idinuduyan ng 8.9 magnitude na lindol ang kanilang hotel kamakalawa. Ayon kay Sermino, nasa ikaapat na palapag siya sa pinagtatrabahuang hotel nang umuga ang gusali. |