By Rose Miranda/Saida Sabiano/Jun Tadios, Abante Online Sinermunan at binantaan kahapon ng Malacañang ang mga pranksters na nagkakalat ng walang basehang text messages na umano’y magkakaroon ng radiation leak sa Pilipinas dahil sa aberya ng nuclear reactors sa Japan. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi nakakatulong ang ginagawang pananakot na ito lalo na’t sensitibo ang nasabing isyu at hindi dapat na ginagamit sa panloloko. |