By Tina Mendoza, Abante Tonite Hihintayin na muna ng Malacañang na matanggap ng Senate Blue Ribbon Committee ang kopya ng isinumiteng impeachment ng Kamara laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez bago magbigay ng anumang komento tungkol sa nasabing usapin. Ito’y kasunod na rin ng naging pahayag ni Sen. Joker Arroyo na posibleng mabasura lang sa plenaryo ang impeachment case dahil sa isyu ng technicality. |