By Boyet Jadulco, Abante Tonite Hindi lang US$ 1,000 o mahigit P43,000 ang dapat matanggap ng mga biktima ng human rights abuses noong rehimeng Marcos kundi mayroon pa silang dapat matanggap na isang milyong piso bawat isa. Ito ang ipinabatid ni Sen. Joker Arroyo dahil may isinurender umanong P10 bilyon ang Swiss government sa gobyerno ng Pilipinas mula sa bank account ng mga Marcos ilang taon na ang nakakaraan. |