By Boyet Jadulco, Abante Tonite Sinasamantala ng mga kumpanya ng langis ang krisis ngayon sa North Africa at Middle East para maitaas ang presyo ng kanilang gasolina at iba pang produktong petrolyo. Ito ang inihayag kahapon ni Sen. Ralph Recto, miyembro ng Senate committee on energy, makaraang magpatupad kahapon ng P1.25 hanggang P2 dagdag-presyo sa gasolina at P1 hanggang P2 sa diesel ang mga kumpanya ng langis. |