By Aries Cano, Abante Online Problemado ngayon ang may 400 OFWs na nakabase sa Misurata, Libya dahil hirap umano silang makarating ng Tripoli kung saan nakaantabay ang mga tauhan ng embahada na tumutulong sa paglikas ng mga Pinoy dahil hinaharang umano sila ng mga pro-Gadhafi forces. Ang Misurata ay may layong 220 kilometro sa Tripoli at may limang checkpoint pa ang dadaanan at masyadong mapanganib umano kung susuungin ng mga OFW makarating lamang ng Tripoli. |